Pitong senador, perfect attendance sa ikatlong bahagi ng 17th Congress

Base sa Senate Journal Service, pitong mga senador ang naka perfect attendance sa 61 plenary sessions sa katatapos na 3rd regualr session ng 17th Congress mula July 23, 2018 hanggang June 4, 2019.

 

Ito ay sina Senate President Vicente Sotto III, Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri, Minority Leader Franklin Drilon, Senators Panfilo Lacson, Gregorio Honasan, Joel Villanueva at Aquilino “Koko” Pimentel III.

 

Sina Sotto at Lacson ay perfect attendance sa buong 17th Congress mula 2016 hanggang last session day nitong June 4.


 

Sina Pimentel at Zubiri naman ay may perfect attendance din sa second regular session na mula July 24, 2017 hanggang May 30, 2018.

 

Sa nabanggit na pito ay sina Sotto, Honasan, Lacson at Zubiri ang mayroong napakalinis na record, kung saan wala silang late o absent dahil nasa official mission sa mga panahon na may mga session.

 

Si Sen. Nancy Binay naman ay mayroon lamang isang absent dahil siya ay nasa official mission sa ibang bansa.

Facebook Comments