Pitong tripulante ng USS Fitzgerald na nasawi matapos makabanggaan ang Philippine-flagged cargo ship sa Japan, nakilala na

128

Nakilala na ang pitong tripulante ng USS Fitzgerald na nasawi matapos makabanggaan ang Philippine-flagged cargo ship noong Sabado sa karagatang sakop ng Japan.

Batay sa inilabas na statement ng 7th fleet, nakita sa compartment ng barko ang mga nasawi na sina:

Gunner’s mate seaman Dakota Kyle Rigsby,
Yeoman 3rd class Shingo Alexander Douglass,
Sonar technician 3rd class NGOC T. Truong Huynh,
Gunner’s mate 2nd class Noe Hernandez,
Fire controlman 2nd class Carlos Victor Ganzon Sibayan,
Personnel specialist 1st class Xavier Alec Martin,
At fire controlman 1st class Gary Leo Rehm Jr.

Nabatid na patungo sa Tokyo Bay ang Philippine-flagged ship nang ito ay umikot at nakabanggaan ang US navy destroyer.

Wala namang napaulat na sugatan o nawawala mula sa ACX crystal ayon sa Japan Coast Guard.

Facebook Comments