PITX, nagbukas ng dagdag na biyahe patungo ng Bicol; bilang ng pasahero ngayong Lunes Santo ng umaga, umakyat na sa 40,000

Patuloy pa rin ang pagdagsa ng ilang pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Lunes Santo para umuwi ng probinya at magbakasyon.

Sa monitoring ng PITX, ngayong alas-11:00 ng umaga, umaabot na sa mahigit 40,000 ang foot traffic sa tinaguriang pinakamalaking land port sa bansa.

Samantala, umabot sa 100,000 ang pasahero sa PITX at inaasahang madadagdagan at mas dadami pa simula ngayong araw.


Bukod dito, nagbukas ng karagdagang biyahe ang ilang bus company sa PITX patungong Bicol matapos ma-fully book noong nakaraang linggo upang may masakyan ang inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong long weekend at matapos tuluyang magluwag ang COVID-19 boarders at restrictions.

Ayon sa PITX, inaasahang aabot ng 1.2 ang pasahero na dadagsa sa nasabing terminal at lalabas ng Metro Manila ngayong Semana Santa.

Facebook Comments