PITX, nagdagdag ng mahigit 80 bus units para sa pagbuhos ng mga walk-in passenger

Tiniyak ngayon ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na mayroon pa ring mga bus na aalalay sa mga mananakay kahit wala pa namang na-monitor na fully booked na biyahe ngayon.

Ito’y kasunod ng pagdadagdag nila ng kabuuang 82 bus units dahil sa inaasahang dami ng biyahero na gagamit ng terminal.

Ayon kay PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador, bukod sa may nakaabang na special permits ay mayroon na ring karagdagang mga bus ang maaring bumiyahe kung sakaling kulangin ang mga ito bunsod na rin ng dami ng pasahero.


Sa kabila nito, kaliwa’t kanan naman ang dating ng pasaherong luluwas pauwi sa kanilang probinsya.

Sa panayam ng RMN Manila kay tatay Leo Ordinio, sinabi nitong ngayon sila uuwi dahil hindi pa naman masyadong dagsa ang pasahero kumpara bukas.

Senior citizen na rin kasi ang kanyang ina kung kaya mas nag-advance siya na magpa-book ng kanilang ticket.

Sa ngayon, pumalo na ang bilang ng pasahero sa 38,980 nanatili namang maayos at smooth ang mga biyaheng South pati na rin ang mga biyaheng pa-Norte gaya ng Nueva Ecija, Olongapo at Tarlac ay inaasahan namang tataas pa ang foot traffic sa PITX mamayang gabi.

Facebook Comments