PLA Navy vessel, China Coast Guard vessel at mahigit 40 Chinese maritime militia, namataan sa palibot ng Pag-asa Island

Nasa mahigit 40 pinaghihinalaang Chinese maritime militia vessels ang namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa paligid ng Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Ayon sa mga tauhan ng PCG nan aka-istasyon sa Pag-asa Island, naka-angkla rin malapit sa isla ang isang People’s Liberation Army Navy vessel at ang China Coast Guard vessel 5201.

Nasa layong 4.5 hanggang 8 nautical miles mula sa Pag-asa Island ang mga barko na malinaw na nasa loob ng 12-nautical-mile territorial sea ng Pilipinas.


“The PLA Navy vessel and CCG 5203 have been observed to be slowly loitering within the surrounding waters of Pag-asa Island with a distance of 8 NM and 4 NM, respectively,” pahayag ng PCG.

“Fourteen suspected CMM vessels are anchored within the vicinity of Pag-asa Cay 3 with an estimated distance of 4 NM West of Pag-asa Island, while the other twenty-eight (28) suspected CMM Vessels are monitored to be within the area of Pag-asa Cay 4.”

Saad ng PCG, ang nagpapatuloy na hindi awtorisadong presenya ng mga barko ng China ay malinaw na taliwas sa right of innocent passage at lantarang paglabag sa territorial integrity ng Pilipinas.

“The PCG, in compliance with the clear directive of President Ferdinand Bongbong Marcos Jr, will unceasingly carry out its patriotic duty in patrolling our waters in the West Philippine Sea,” saad ng PCG.

Ang Pag-asa Island ay ang pinakamalaking isla sa Kalayaan Island Group na nagsisilbing sentro ng lokal na pamahalaang munisipalidad ng Kalayaan, Palawan.

Tinatayang nasa 400 kabilang ang 70 mga bata ang nakatira sa isla.

Facebook Comments