PLANE CRASH | 7 katao, patay nang bumagsak ang isang eroplano sa Plaridel, Bulacan

168

Bulacan – Patay ang pitong katao makaraang bumagsak ang isang six-seater
twin light aircraft habang papalipad mula sa Plaridel Bulacan Airport
kaninang alas-11:21 ng tanghali.

Ito ang kinumpirma ni PNP Bulacan Police Provincial Director Senior Supt.
Romeo Caramat.

Aniya ang mga nasawi ay dalawang piloto na sina Captain Ruel Meloria at
Co-Pilot na si Efren Patugalan, apat na pasahero na residente ng Lumang
Bayan, Plaridel Bulacan at isang residente kung saan bumagsak ang eroplano.

Sa ngayon aniya, inaalis pa lamang sa lugar ang mga labi ng mga nasawi
habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy kung ano ang
dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

Ang eroplano ay lalapag sana sa Laoag aiport.

Facebook Comments