Manila, Philippines – Pansamantalang isinara ang airport sa Bulacan matapos
bumagsak ang isang 6 seater light aircraft sa bayan ng Plaridel noong
Sabado, na ikinamatay ng sampung tao.
Ito ang kinumpirma ni Airport Manager Eduardo Lansang, matapos ang ginawang
closed door meeting sa mga opisyal ng Plaridel, Bulacan.
Dagdag pa nito mananatiling sarado ang airport hangga’t nagpapatuloy ang
imbestigasyon sa insidente.
Apektado sa pagsasara ng paliparan ang 230 flights araw-araw na karamihan
ay mga training plane ng sampung aviation schools na nag-o-operate sa mga
katabing bayan ng Plaridel.
Facebook Comments