Idinemanda ng mga magulang ng isa sa mga nasawing pasahero ng Lion Air na bumagsak sa Indonesia noong nakaraan buwan ang Boeing.
Sa reklamo ng mga magulang ni Dr. Rio Nanda Putrama, hindi umano ligtas ang pagkakadisenyo ng 737 Max 8 ng higanteng aircraft company.
Hindi raw sinabihan ng Boeing ang mga piloto ng Lion Air na dahil sa bagong design na ito ay awtomatikong nagno-nose dive ang eroplano dahilan para malagay sa peligro ang mga pasahero.
189 na pasahero at crew ang nasawi matapos mag-crash ang Lion Air 610 sa karagatan ng Indonesia.
Patungo sana sa Indonesia si Dr. Putrama para sa kaniyang kasal.
Facebook Comments