PLANE CRASH | Flight data recorder ng Lion Air, narekober na

Natagpuan na ang flight data recorder ng Lion Air flight JT-610 na bumagsak sa dagat na ikinamatay ng 189 tao.

Sa pamamagitan ng black box ay malalaman na ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

Ang Cockpit Voice Recorder (CVR), ang device na nagre-record ng audio mula sa cockpit ay hindi pa natatagpuan, pero pinaniniwalaang nahulog sa pinakailalim ng dagat na may 114 talampakang lalim.


Ayon kay National Transportation Safety Commission (KNKT) Deputy Director Haryo Satmiko – aabutin ng dalawang linggo para mabasa ang data mula sa flight data recorder habang nasa dalawa hanggang tatlong buwan para suriin ito.

Kinumpirma rin na ang ilang parte ng fuselage ng eroplano ay natagpuan na rin.

Facebook Comments