WEATHER UPDATE | Hanging amihan, inaasahang mararamdaman sa susunod na linggo

47

Asahan ang maganda ang panahon sa halos buong bansa ngayong araw ng mga kaluluwa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – walang nakitang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pero inaasahang magkakaroon ng mga sandaling pag-ulan dulot ng localized thunderstorms sa dakong hapon o gabi.

Dagdag pa ni Perez – kapag nalusaw na ang bagyong Rosita na nasa katimugang bahagi ng China ay inaasahang iihip muli ang hanging amihan.

Ang buntot o ‘trough’ ng bagyo ay patuloy na nagpapaulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Facebook Comments