PLANE CRASH | Mga black box ng bumagsak na Lion Air posibleng makita na

Nabuhayan ng loob ang mga imbestigador sa bumagsak na eroplano ng Lion Air sa Indonesia matapos silang makatunog ng mga “transponder ping” na galing sa mga black box o flight recorder ng airline.

Ayon sa mga imbestigador, bagaman at may na-detect na mga ping mula sa mga black box, kailangan pa nilang pag-aralan ang posibleng kinaroroonan ng mga ito.

Malaki kasi ang maitutulong ng mga black box para malaman kung ano ang nangyari bago bumagsak ang Lion Air 737 Max 8 noong Lunes.


189 na pasahero at crew ang nasawi sa trahedya.

Patuloy pa rin ang mga search and retrieval operation para makita ang mga labi ng mga nasawi. Pero hirap ang mga ito dahil sa masamang panahon dala ng bagyong Yutu.

Facebook Comments