UNDAS | Mahigit 12,000 katao dumagsa sa Loyola Memorial Park

16

Pumapalo na sa 12,100 katao ang tinatayang dumagsa sa Loyola Memorial Park para dalawin ang puntod ng kanilang mahal sa buhay bilang paggunita sa Undas.

Hindi inaalinta ng ating mga kababayan ang tindi ng sikat ng araw madalaw lamang ang kanilang mahal sa buhay kung saan nag-alay sila ng mga bulaklak at ng sindi ng kandila sa puntod ng kanilang mga kamag-anak.

Umakyat naman sa mahigit isang libong mga ibat-ibang bagay na ipinagbabawal sa sementeryo ang nakumpiska sa gate ng Loyola Memorial Park kabilang ang mga posporo, sigarilyo, lighters, mga matutulis na bagay, bluetooth speaker at baraha ang iniwan at kanilang babalikan paglabas sa naturang sementeryo.

May mga nakaantabay na health stations, ambulansya, pulis at bombero sa naturang sementeryo at CCTV cameras na nakaposisyon sa buong lugar upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Pinayuhan naman ang mga motorista na magparada sa pay parking area ng Riverbanks Mall kung puno na ng nakaparadang sasakyan ang Loyola Memorial Park.

Facebook Comments