Planetary conjunction o paghilera ng mga planeta, kumpletong masasaksihan sa Hunyo 28, ayon sa PAGASA

Masasaksihan ng publiko ang planetary conjuction o paghilera ng mga planeta sa kalawakan sa Hunyo 28, araw ng Martes.

Nabatid na huling nasilayan ang planetary conjunction noong 2004.

Lilinya ang mga limang planeta na Mercury, Venus, Mars, Jupiter, at Saturn base sa kanilang pagkakasunud-sunod mula sa araw kasama ang buwan bago magbukang-liwayway o sunrise.


Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), muli itong masisilayan sa taong 2040 pa kung kaya’t hinihikayat ang publiko na masaksihan ang pambihirang pagkakataon na ito.

Facebook Comments