Pride PH Festival, ipagdiriwang sa Quezon Memorial Circle ngayong araw

48

Ipagdiriwang ang Pride PH Festival: Alab for Love #OnePride sa Quezon Memorial Circle ngayong araw.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng lungsod ng Quezon City sa Pride Month ngayong buwan.

Magsisimula ang nasabing aktibidad mamayang alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng hating-gabi.


May handog din na libreng on-site COVID-19 vaccination at HIV testing ang Quezon City Health Department sa nasabing pagdiriwang.

Pinapayuhan naman ng lokal na pamahalaan ang mga dadalo na sumunod sa minimum public health standards.

Matatandaang ang QC ang kauna-unahang lungsod na nagpatupad ng Gender-Fair Ordinance upang mabigyan ng pantay na pagtrato at protektahan laban sa diskriminasyon ang mga miyembro ng LGBTQ+ community.



Facebook Comments