PLANO NAKALATAG NA | DSWD, nakahanda na sa pananalasa ng bagyong Urduja

Manila, Philippines – Inilatag na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang plano bilang paghahanda sa bagyong Urduja na nananalasa sa Samar.

Ayon kay DSWD Officer-In-Charge Emmanuel Leyco, bukod sa pagmo-monitor sa bagyo, may nakaantabay na din silang mga family food packs.

Sinabi pa ni Leyco na mayroon ding food at non-food items na nagkakahalaga ng P393 million ang naka-standby pa.


Nakaantabay na din ang P245 million na pondo sa central office at sa mga field offices na agad nilang ipalalabas sakaling kailanganinpara sa mga mamamayan na maaapketuhan ng bagyo.

Facebook Comments