Plano ng CHR na panghimasukan ang kaso ni Mabel Cama, development para sa pamilya ng bank employee

Manila, Philippines – Welcome Development kay Reynaldo Cama ang plano ng CHR na silipin na rin ang kaso ni Mabel Cama ang bank employee na sinunog, pinatay at ginahasa sa loob ng Compound sa Brgy Rosario Pasig City.

Una rito nagpahayag ang CHR na kanilang titingnan kung ano ang kanilang magagawa gayong hindi naman nila mandato na iimbestigahan ang mga hindi opisyal ng pamahalaan na sangkot sa krimen.

Paliwanag ni Mr. Cama kung makatutulong ang CHR na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak ay tatanawin niya itong malaking utang na loob sa alinmang ahensiya ng gobyerno na tututok sa kaso.


Si Mabel ay dinala na sa Paracale Camarines Norte kahapon kung saan doon siya ibuburol at ililibing naman sa Sabado ng alas-10 ng umaga.

Umaasa si mang Reynaldo na maaaresto rin ang mga kasabwat pa ni Randy Oavenada matapos na pangalanan ng suspek ang dalawa pang kasamahan nito.

Facebook Comments