
Itataas ang Yellow Alert sa Visayas grid ngayong Sabado.
Ayon National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ipatutupad ito mula alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng gabi.
Kabilang sa mga dahilan ng Yellow Alert ang hindi operasyon ng TVI Unit 2, ang nabawasang kapasidad ng TVI Unit 1, at ang planadong maintenance ng PCPC at KSPC Unit 2.
Kabilang pa sa dahilan ang 11 planta na kasalukuyang naka-forced outage ngayong Nobyembre, habang may iba pang mga planta na hindi pa rin bumabalik sa operasyon mula pa noong mga nakalipas na buwan at taon.
Bukod dito, 19 na planta ang tumatakbo sa derated capacity, dahilan upang umabot sa 609.5 megawatts ang hindi magamit na suplay ng kuryente.
Ang Yellow Alert ay idinedeklara kapag hindi sapat ang operating margin ng grid upang matugunan ang contingency requirement, bagama’t sapat pa rin ang suplay para sa kasalukuyang pangangailangan ng mga konsyumer.










