Plano ng mga terorista sa Sulu, matitigil na ayon sa JTF Sulu

Dahil sa sunod-sunod na pagsuko ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu, naniniwala ang militar na mapipigilan ang mga planong pag-atake ng ASG sa naturang lugar.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. William Gonzales, maaaring nagpapaplano ang ASG ng panibagong pag-atake para maipakitang malakas pa rin ang kanilang pwersa, pero tuloy-tuloy ang pagsuko ng kanilang mga kasamahan.

Pinakahuli sa mga sumuko ay sina Mahmor Badderi, 27, mula sa Patikul at si Ali Jumsah, 41 taong gulang, mula sa Maimbung, Sulu.


Nauna rito, may 9 na ASG members na ang sumuko.

Panawagan naman ni Brig. Gen. Gonzales sa mga residente ng Sulu na maging “vigilant” at patuloy na makipagtulungan sa gobyerno para mapigilan ang mga planong pag-atake pa ng ASG.

Ang ASG ang itinuturong nasa likod ng huling pagpapasabog sa Jolo, Sulu nitong nakaraang buwan na ikinamatay ng 15 indibidwal kabilang ang mga sundalo at pulis.

Facebook Comments