Plano ng MMDA na i-ban ang mga Provincial Bus sa EDSA, suportado ng ilang Bus Company

Ipagpapatuloy pa rin ng ilang mga Provincial Buses ang kanilang biyahe sa EDSA hanggang wala pang  kautusan ang gobyerno na itigil ang kanilang operasyon sa EDSA matapos na magpalabas ng kautusan ang QC Court na i-ban ang mga Provincial Bus na bumiyahe sa EDSA.

Ayon kay JV Florida Transport Roberto Malanao, Head Security, hindi sila titigil sa kanilang operasyon hangga’t walang inilalabas na final order ang gobyerno na pagbawalan silang bumiyahe sa EDSA mula sa iba’t ibang probinsiyang papasok sa Metro Manila via EDSA.

Matatandaan na noong July 31 taong ito ay nag-isyu si  QC Regional Trial Court Branch 223 Judge Caridad Walse Lutero ng Preliminary Injunction sa panukala ng MMDA na ipagbawal ang mga Provincial Bus na bumiyahe sa EDSA.


Layon ng MMDA na mapasara ang 47 na mga Provincial bus terminal sa EDSA at pagbabawalan na rin na bumiyahe,  magsakay at magbaba sa kahabaan bg EDSA.

 

Facebook Comments