Naniniwala ang isang opisyal ng World Health Organization (WHO) na dapat muling pag-aralan ng pamahalaan ang plano nitong tanggalin bilang travel requirement ang COVID-19 testing.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, importanteng i-assess muli ito ng gobyerno at magkaroon ng maingat na desisyon hinggil dito.
Dapat ding ikonsidera ng pamahalaan ang banta ng pagkalat ng bagong variants.
Mahalaga aniyang maiwasang kumalat ang bagong variants sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Samantala, tiniyak ni Abeyasinghe na agad ipapadala sa Pilipinas ang Pfizer vaccines sa ilalim ng COVAX Facility kapag nakumpleto at naabot na ang requirements sa pagitan ng pamahalaan at ng Pfizer.
Naabot na ng Pilipinas ang lahat ng requirements na kailangan para sa AstraZeneca Vaccines.
Patuloy namang ine-evaluate ng WHO ang Sinovac at Sinopharm at iba pang mga bakuna.
Nabatid na ginawaran na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sinovac ng Emergency Use Authority (EUA).