Plano ng Pangulong Duterte na magkaroon ng hiwalay na kagawaran na tututok sa kalamidad, suportado ng NDRRMC

Manila, Philippines – Napapanahon na ang panukala ng Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng hiwalay na kagawaran na tututok sa pagresponde sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Romina Marasigan, suportado ng kanilang hanay ang panukala ng pangulo na layuning matutukan ang mga pagresolba sa problema at ayuda sa panahon ng kalamidad lalo na sa panahon na may bagyo.

Sinabi pa ni Marasigan na sakaling maaprubahan ang panukala ng Pangulo – may mga structure na ng mga tanggapan na tatawaging Disaster Management Department o Emergency Management Department.


Facebook Comments