Plano ng PNP-BARRM na kasuhan ang mga sundalong nakialam sa crime scene sa naganap shooting incident sa Jolo, Sulu, hindi na itutuloy

Hindi na magsasampa ng kasong obstruction of justice ang Philippine National Police – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PNP-BARMM) laban sa mga sundalong nakita sa CCTV na rumesponde at pinakialaman ang crime scene sa nangyaring shooting incident sa Jolo, Sulu kung saan napatay ang apat na sundalo.

Ayon kay PNP-BARRM Regional Director Brigadier Gen. Manuel Abu, inisyal na plano niya sana ang magsampa ng kaso sa mga sundalo.

Pero nagbago ang kanyang isip at nagdesisyon na ipaubaya na lamang ito sa National Bureau of Investigation (NBI) lalo’t napagkasunduan na ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) na NBI na ang mag-iimbestiga.


Giit ni Abu, ayaw niyang maka-impluwensya sa ginagawang pagsisiyasat dahil lamang sa kanyang planong pagsasampa ng kaso.

Matatandaang una nang inamin ng Philippine Army na mga sundalo ang rumesponde sa crime scene matapos makatanggap ng impormasyon na may nangyaring shooting incident.

Wala silang naabutang mga pulis kaya nakialam na sila sa crime scene.

Facebook Comments