50% na boundary sa jeep, pinapatupad sa isang terminal sa QC

Nagpapasalamat ang mga jeepney driver sa IBP road na may biyaheng Litex Gravel Pit Road dahil nauunawaan sila ng kanilang mga operator.

Ayon kay John Agban, kalahati lang ang babayaran niya sa boundary sa kanyang pamamasada ngayong limitado lamang ang ang kanilang maisasakay.

Tulad ni Agban, ang lahat ng pumasada ngayong araw dito sa nasabing terminal ay pinagbigyan ng kanilang operator na kalahati lamang ang kanilang babayaran sa boundary.


Kasabay nito, siniguro ng mga jeepney driver at operators na hindi nila sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kanila ng gobyerno na makapamasada kung kaya’t naghihigpit sila at piling-pili ang mga jeep na kanilang pinapayagang makapamasada o ‘yung mga makakasunod sa safety protocols.

Facebook Comments