Mariing kinontra ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas ang ₱10,000 kada araw para sa mga magiging delegado ng isinusulong na Constitutional Convention (ConCon), para sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution.
Para kay Brosas, hindi ito makatwiran sa harap ng kabiguang mabigyan ng dagdag na sahod ang mga manggagawa.
Paalala pa ni Brosas, may mga panawagan din na ₱10,000 na ayuda para makasabay ang mamamayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, at krisis na hinaharap.
Tinuligsa rin ni Brosas at sinabing napakalaki ng ₱5 billion na tantsang magagastos para sa ConCon.
Sang-ayon din si Leyte Rep. Richard Gomez na masyadong malaki ang ₱10,000 kaya dapat kasama na rito ang “transportation and lodging.”
Dagdag pa ni Gomez, kahit ang sweldo nilang mga mambabatas ay hindi aabot ng ₱10,000 kada araw.