Cavite 7th District Representative Ping Remulla, nanumpa na bilang bagong miyembro ng Kamara

Nanumpa na bilang kinatawan ng 7th District ng Cavite si Crispin Diego “Ping” Remulla.

Ang kanyang panunumpa ay pinangunahan mismo ni House Speaker Martin Romualdez.

Si Congressman Ping ay nakakuha ng 98,474 na boto o 66.67% sa kabuuang 42.11% na total voting population ng 7th District ng Cavite.


Siya ang pumalit sa iniwang pwesto ng ama na si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na bumaba sa pwesto matapos italaga sa Department of Justice (DOJ).

Facebook Comments