Planong 1 day extension ni Pangulong Duterte sa Busan, hindi na tuloy

Plano sanang mag- extend ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang araw sa South Korea.

 

Ito’y para matignan sana ang biniling frigate ng Pilipinas na BRP Rizal na kasalukuyang sumasailalim sa sea trials sa Busan.

 

Pero ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na kasama sa delegasyon sa South Korea, ang Pangulo na rin ang nagpasya na huwag nang ituloy ang balak na 1 day extension matapos makita ang kanyang hectic schedule.


 

Wala na aniyang panahon pa para masilip ang  BRP Rizal na under trial simula pa nitong Sabado, Nobyembre a-bente tres.

 

Nabatid na nagkakahalaga ng walong bilyong piso ang 351 by 46 foot frigate na itinuturing na pinakamalakas na asset ng Philippine fleet na inaasahang maide-deliver na sa Abril o Mayo sa susunod na taon.

 

Ngayong araw inaasahang uuwi ang Pangulo mula sa 2day official visit at pagdalo sa 2019 Asean Republic of Korea Summit.

Facebook Comments