Planong Cable Car Sa Baguio City, Alamin!

Baguio City, Philippines – Pinagaaralan ng lokal na pamahalaan ng Baguio
City ang pagpapanukala ng paggamit ng Cable Car. Matapos makatanggap ng
proposal si Mayor Mauricio Domogan mula sa Ryanyx Construction and General
Services na ipinadala mula U.S upang magsagawa ng isang komprehensibong
pag-aaral ukol sa Transit X o Cable Car.

Isa sa pinagaaralan ng pamahalaan, ay kung saan ang angkop na lugar na
pwedeng pagtayuan nito.

Pinagaaralan din ang environmental at economic effect ng naturang proposal
lalo na sa mga public utility vehicle sector.


Kung sakaling maipatupad ang Transit X ay mapapadali nito ang
transportasyon lalong lalo na sa mga mamamayan ng Baguio. Ang isang pod ay
kayang magsakay ng limang tao. Makatutulong din ito upang mabawasan ang
trapiko.

Facebook Comments