KAKAIBANG KULAY | Kilalanin ang kulay uling na lalaki sa London

London – Tila kumikintab na uling ang isang 32-year-old na lalaki dahil sa
dami ng tattoo nito sa kanyang katawan.

Inaakala pa ng mga Instagram follower ni Adam Curlykale na naka-negative
filter o gray and white ang kanyang mga ipino-post na litrato dahil balot
ng kulay graphite na tattoo ang 99% ng kanyang katawan.

Bukod dito, kinulayan niya rin ang kanyang buhok at balbas ng graphite gray
o kulay abo para mag-mukang real life x-ray shot ang sarili.


Isang cancer survivor si Adam at sinimulan niya ang kanyang paglalagay ng
tattoo sa katawan noong 20-years old pa lang siya.

Nananatiling sikreto naman kung anong parte ng kanyang katawan ang 1% na
wala pang tattoo.

Facebook Comments