MANILA – Sinuportahan ni Senador Alan Peter Cayetano ang plano ng Commission On Elections (Comelec) na dagdagan ang oras ng bawat kandidato na makapaglatag ng kanilang mga plataporma sa ikalawang Presidential Debate.Sa Interview ng RMN kay Cayetano, sinabi niyang masyadong bitin ang 30 seconds at 60 seconds na ibinibigay sa bawat kandidato para masagot ang ilang isyu.Aniya, hindi masyadong naging mainit ang debate dahil wala nang follow-up questions sa mga kandidato.Bukod dito, sinabi ni Cayetano na masyado nang huli ang Vice-Presidential Debate sa April 10 dahil sa naniniwala siya na sa panahong iyon ay nakapili na ang mga botante ng kanilang iboboto.Gagawin ang ikalawang Presidential Debate sa University Of San Carlos sa Cebu sa March 20… habang sa University of Pangasinan naman ang Ikatlong Debate ng mga kandidato sa pagka-pangulo sa April 24.Samantala, sa April 10, sa Metro Manila naman ang Vice-Presidential Debate. (Lou Catherine Panganiban – RMN DZXL 558)
Planong Dagdag Oras Sa Ikalawang Presidential Debate, Sinuportahan Ni Vice Presidential Canditate Senador Alan Peter Cay
Facebook Comments