Planong deployment ban ng mga OFWs sa KSA, pag-aaralan pa kung itutuloy

Hindi pa masabi sa ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kung ipupursige pa ang planong deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na kanila munang titignan kung talagang tutuparin ng Saudi government ang pangako nitong babayaran ang sweldo ng mga OFWs ng kanilang mga employers.

Sa ngayon kasi magkakaroon pa ng serye ng pagpupulong sa pagitan ng Saudi government at ng gobyerno ng Pilipinas upang maplantsa kung papaano ang magiging distribusyon nito sa mga apektadong OFWs.


Matatandaan nitong linggo, inanunsyo ng KSA government na magbabayad na sila ng P4.6 bilyon para sa unpaid salaries ng 9,000 OFWs na napilitang umuwi ng bansa makaraang magsara ang pinagtatrabahuan nilang kompanya.

Facebook Comments