Naniniwala sina Presidential candidate President Panfilo “Ping” Lacson at Vice Presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tiyak na wala ng magiging puwang ang human intervention at korapsyon sa mga proseso ng gobyerno kapag gawin na ang pag-digitalize ng mga transaksyon sa gobyerno.
Ayon kina Lacson Sotto Tandem, mangyayari lamang ang naturang programa sakaling papalarin silang dalawa na manalo sa darating na halalan para masiguro na wala nang magiging puwang ang korapsyon sa mga proseso ng gobyerno.
Paliwanag pa nina Lacson Sotto Tandem, karamihan umano sa mga mauunlad na bansa gaya ng sa Japan at Singapore ay pawang mga digitalization na ang ginagamit sa mga transaksyon sa kanilang pamahalaan kung saan nababawasan ang human intervention na karaniwang ugat ng korapsyon.
Binigyang diin pa ni Lacson na kapag naisakatuparan na ang naturang programa bukod sa mabilis ang transaksyon ng ating pamahalaan ay maiiwasan na rin ang korapsyon sa gobyerno.