Pagkakakilanlan ng natagpuan na chop-chop na katawan ng tao, hindi pa rin matukoy ng mga pulis

227

Hindi pa rin matukoy ng mga tauhan ng Rodriguez Municipal Police Station ang pagkakakilanlan ng natagpuan chop-chop na katawan.

Sa imbestigasyon, unang nakita at inireport ng mga residente na may apat na black bag na naglalaman ng chop-chop na katawan sa may bahagi ng Zigzag Road sa Brgy. San Jose sa Rodriguez, Rizal.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad kung saan dito na nila nakita na nakasilid sa itim na garbage bag ang mga bahagi ng katawan partikular ang ulo at braso na may tattoo habang may singsing pa ang daliri ng biktima.


Isinailalim na ng Rizal Scenes of Crime Officer (SOCO) ang nasabing parte ng sa pagsusuri habang inaalam na rin ng mga otoridad kung may iba pang bahagi ng katawan ng tao na matatagpuan sa ibang lugar.

Hirap pa rin ang mga pulis na matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima lalo na’t wala pa naman umanong nagre-report sa kanilang himpilan ng nawawalang kaanak.

Facebook Comments