Planong ethics complaint, hindi na itutuloy kung hihingi ng tawad si Senator Trillanes

82

Manila, Philippines -Isasangguni pa ni Senator JV Ejercito sa mga kasamahang mambabatas ang planong pagsasampa ng ethics compliant laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Pero ayon kay Ejercito, matutuldukan na ang isyu kung hihingi ng paumanhin si Trillanes sa ginawa niyang pagtawag sa mga senador na duwag at tuta o puppet ng adminstrasyong Duterte.

Ayon kay Ejercito, hindi naman siya mapaghiganti kaya tatanggap niya agad ang pagso-sorry ni Trillanes para sa senado bilang isang institusyon.


Umaasa din si Ejercito na mari-realize ni Trillanes na may panuntunan ang Senado para maiwasan ang gulo o mapanatili ang kortesiya nila sa isat isa.

Facebook Comments