Planong gawing state witness si Janet Lim Napoles, haharanging ng Ombudsman

Manila, Philippines – Tiniyak ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hindi makakalusot bilang state witness si pork barrel queen Janet Lim-Napoles.

Kinokonsidera kasi ng Dept. of Justice na buksan muli ang imbestigasyon sa pork barrel cases na kinasasangkutan ni Napoles at ng daan-daang mambabatas.

Matatandaan na noong 2014 ay kinasuhan ni Morales sa Sandiganbayan sina dating Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada hinggil sa pork barrel scam.


Sinubukan din noon ni Napoles na mag-apply ng immunity bago pa humantong sa sandiganbayan ang mga kaso pero hindi ito tinanggap ng Ombudsman.

Pero sa kabila ng mga ito, aminado si Morales na hindi niya kayang pigilan ang galaw ng DOJ.

Una nang sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na gusto niyang imbestigahan muli ang kaso dahil sa posibilidad na may iba pang pangalan na ikakanta si Napoles.

Pero ayon kay Morales, patuloy din naman silang nagsisiyasat sa kaso.

Sa ngayon ay acquitted na sa kasong serious illegal detenion si Napoles pero mananatili pa rin itong nakakulong dahil sa patong-patong na pork barrel cases Sandiganbayan.

DZXL558

Facebook Comments