Planong granular lockdown sa NCR, hindi uubra – OCTA

Umalma ang ilang eksperto sa planong pagpapatupad ng granular lockdowns sa Metro Manila kasabay ng paglipat nito sa General Community Quarantine (GCQ).

Batay sa pagtataya ng OCTA Research Group, posibleng umabot pa ng 25,000 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 kada araw kung palalawigin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa lugar.

Pero hindi pa tukoy ang magiging epekto kapag granular lockdown na lang ang ipapatupad.


Nakikita naman ng OCTA na posibleng bumaliktad ang pagbaba ng kaso kapag hindi maayos ang pagpapatupad ng granular lockdown.

Nitong Lunes ay pumalo sa 28.8 porsiyento ang positivity rate ng bansa.

Facebook Comments