MANILA – Hindi na matutuloy ang libing ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani na nakatakda sana ngayong Setyembre.Sa ikalawang rounds ng oral arguments kahapon, nagdesisyon ang Korte Suprema na palawigin ang inilabas nitong status quo ante order hanggang sa October 18.Sinabi ni Solicitor General Jose Calida, na tinutupad lamang ni Pangulong Duterte ang kaniyang pangako noong nangangampanya sa pagpapalibing kay Marcos.Ayon sa abogado ng pamilya Marcos na si Atty. Hayacinth Rafael-Antonio, hindi ang pagiging bayani ni marcos ang totoong isyu dito.Pero para kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, hindi mababali ang desisyon ng Korte Suprema para lamang mapagbigyan ang hiling ng pangulo.
Facebook Comments