Planong ilipat ang PhilHealth sa ilalim ng Office of the President, kinatigan ng isang kongresista

Sinuportahan ni BHW Party-list Rep Angelica Natasha Co ang planong paglipat sa
Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa ilalim ng Office of the President mula sa Department of Health (DOH).

Tiwala si Congresswoman Co na mapag-iibayo nito ang pananagutan, proseso at performance ng PhilHealth.

Umaasa si Co na daan din ito para mapabilis ang claims processing at reimbursements sa PhilHealth ng lahat ng accredited hospitals at mga clinics.


Positibo din si Congresswoman Co na ang paglipat ng PhilHealth sa Office of the President ay posibleng magresulta sa pagkakaroon ng mga bagong packages para sa senior citizens, persons with disabilities, persons with special needs, at mga atleta.

Dagdag pa ni Co, sa ilalim ng OP ay baka magkaroon na ng malinaw at epektibong solusyon ang PhilHealth sa korapsyon, at sa pagkakaroon nito ng umano’y mga tiwaling opisyal na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakasuhan o napapanagot.

Facebook Comments