Senador, tiniyak ang pagsusulong ng dagdag na ₱150 sa sahod ng mga manggagawa sa buong bansa

Tiniyak ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na hindi nila bibitawan sa Senado ang dagdag na P150 sa sahod ng mga manggagawa sa buong bansa.

Ayon kay Revilla na may-akda ng panukalang P150 across the board wage increase, malaki ang utang na loob ng bansa sa ating mga manggagawa at sa kabila ng pagpapatupad ng dagdag na P40 sa arawang sahod sa mga manggagawa sa NCR ay kulang na kulang pa rin ito para matugunan ang pang-araw araw na gastusin ng isang pamilya.

Kaya naman siniguro ni Revilla na sa pagbabalik sesyon ay itutulak pa rin ang P150 na dagdag sahod sa lahat ng mga mangagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.


Kumpyansa ang senador na makakamit din ang matagal nang inaasam-asam ng mga manggagawa upang kahit papano ay maibsan ang hirap na kanilang dinaranas.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Revilla kay Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagtiyak na maisusulong ang P150 na umento sa sahod gayundin sa mga kasamahang mambabatas na sumusuporta rito.

Facebook Comments