Planong importasyon ng 200,000 metriko-toneladang asukal, labag sa batas

Nagbabala si Senador Imee Marcos sa gobyerno na may malalabag na batas kapag itinuloy ang importasyon ng 200,000 metriko-toneladang asukal na labag sa utos ng dalawang korte.

Sinabi ito ni Marcos, makaraang ilabas ng Sugar Regulatory Administration o SRA nitong Martes ang Memorandum Circular No. 11 para sa aplikasyon ng importasyon ng asukal.

Diin ni Marcos, ito ay labag sa dalawang temporary restraining order na inisyu ng mga regional trial court sa Sagay at Himamaylan sa Negros Occidental noong unang bahagi ng kasalukuyang taon.


Iginiit ni Marcos, ang pagtatangkang mag-angkat ng asukal sa kabila ng pagsuspinde nito ng korte ay klarong pagpasok sa isang midnight deal bago bumaba sa panunungkulan ang kasalukuyang administrasyon sa katapusan ng Hunyo.

Facebook Comments