Ilang tagasuporta at artista, nag-ikot sa Marikina para ikampanya si VP Leni ilang araw bago ang eleksyon

81

Humirit pa sa mga nalalabing araw bago ang eleksyon ang actress na si Jodi Sta. Maria at naglibot sa Barangay Tumana sa Marikina City para ikampanya si Vice President Leni Robredo.

Sinabi ng actress na hindi pa panahon upang manahimik, nagpasya ito na magbahay-bahay kasama ang ilang volunteers para ikampanya si VP Leni, running mate na si KiKo Pangilinan at Senatorial Candidate Chel Diokno.

Iginiit ni Sta. Maria na hindi niya ginagawa ito para sa kaniyang sarili kundi para sa mga Pilipino at para sa Pilipinas.


Sabi pa ng actress na kaya niya sinuportahan ang mga ito dahil nakikita niya ang kaniyang core values sa tatlong kandidato.

Nagpasalamat naman si Sta. Maria sa mainit na pagtanggap ng mga residente ng Barangay Tumana.

Facebook Comments