Planong limited face-to-face classes, tinutulan ni Senator Gatchalian

Mariing tinutulan ni Committee on Basic Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang proposal ng Department of Education (DepEd) na magkaroon ng limitadong face-to-face classes.

Giit ni Gatchalian, sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020 ay dapat ituloy ng DepEd ang distance learning modality at walang face-to-face classes.

Paliwanag ni Gatchalian, ito ay para maprotektahan ang mga mag-aaral, magulang at mga guro na mahawa ng COVID-19.


Katwiran pa ni Gatchalian, patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa unti-unting pagbubukas ng negosyo at posibleng makadagdag dito ang pagkakaroon ng face-to-face classes.

Diin pa ni Gatchalian, ang mga kabataan ang ating pinakamalaking kayamanan na dapat protektahan sa lahat ng pagkakataon.

Facebook Comments