PNP-IMEG, naglunsad ng Digital Information Campaign para sa mas mabilis na pag-aksyon sa mga reklamo

Naglunsad ng Digital Information Campaign ngayong araw ang Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG).

Ayon kay PNP-IMEG Director PBGen. Ronald Lee, ang proyekto ay isang quick response mechanism na layuning mapabilis na makatugon sa mga reklamo ng publiko kaugnay sa mga tiwaling pulis.

Nakapaloob sa proyekto ang mga digital billboard sa 13 MRT Stations na itinayo sa tulong ng Thompson Lighting Solution at Mindwaves Philippines Inc.


Ito ay upang maipalam sa publiko ang mandato ng PNP-IMEG at iba pang impormasyon katulad ng kanilang contact numbers.

Facebook Comments