
Inihayag ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., kahapon na hindi na muna matutuloy ang planong maibaba pa ang maximum suggested retail price (MSRP) sa imported na bigas sa susunod na buwan dahil na rin sa kaguluha sa Middle East.
Nauna nang inanusyo ng Department of Agriculture (DA) na ibaba sa P43 ang MSRP sa 5 percent broken ng imported na bigas mula sa P45 simula sa July 1.
Tinukoy ng Kalihim ang tumitinding tensyon sa pagitan ng bansang Israel at Iran at nang magsagawa ng U.S. airstrikes sa tatlong nuclear sites sa Iran.
Kasabay nito, sinabi ni Tiu Laurel na pinag-aaralan din ng DA na mag-introduce ng MSRP para sa imported pork sa Agosto, bagama’t ang pinal na presyo ay idedetermina pa bago magpatupad ng roll out.
Siniguro ni Secretary Tiu Laurel na nakalatag na ang mga programa bilang paghahanda sa mga sitwasyon lalo na nangyayari sa Gitnang Silangan.









