
Halos 77.67% o katumbas ng 1,332 local government units (LGUs) ang nakapagpatayo ng karagdagang eskwelahan gamit ang 85% ng kanilang Special Education Fund (SEF).
Ang SEF ay nagmula sa karagdagang 1% percent real property tax sa ilalim ng Local Government Code ng 1991 na nakalaan para sa mga programa at proyekto na may kaugnayan sa edukasyon.
Batay sa 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) assessment ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nasa 82.33% o 1,412 LGUs ang nakapagpatupad ng inclusive education initiatives, gaya ng Madrasah program para sa Muslim learners.
Habang 81.28% o 1,394 LGUs ang nakipag-partner sa mga external stakeholders para sa pagkumpleto ng mga education projects.
Nasa 90.32% o 1,549 ng LGUs ang nakapagpatayo ng mga paaralan sa ilalim ng local education reform priorities.
Kabilang sa mga SEF-funded na eskwelahan ay ang Natividad High School, San Antonio Integrated High School at San Juan Nepomuceno Elementary School sa Guagua, Pampanga. Sa Badiangan, Iloilo, dalawang classroom buildings ang nakumpleto sa Astorga Primary School.