Isinusulong ngayon sa Lungsod ng Dagupan ang bagong sistemang ipapatupad sakaling matapos itong pag-aralan para sa layuning mas mapadali at mapagaan ang transaksyon sa lungsod.
Partikular na makakagamit ng online services ang tanggapan ng One Stop Shop Business Center kung saan nagpulong na ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng lungsod kasama ang mga iba’t ibang stakeholders para sa pag-aaral dito.
Ilan lamang sa mga transakyong gagamit ng online services ay ang business application, renewal, pagbabayad ng Real Property Tax (RPT) at iba pang transaksyon.
Ito ay upang maiwasan din ang iba’t ibat anomalya gaya na lamang ng kotong.
Magkakaroon na rin ng tsansa na sakaling nasa malayong lugar ay kahit anong oras maaari nang magbayad.
Ilan lamang sa mga departamentong dumalo sa nasabing pulong ay ang LGU Finance Department, Management Information Systems Office (MISO), software developer, Landbank of the Philippines at marami pang iba. |ifmnews
Facebook Comments