Planong ordinansa ng QC-LGU patungkol sa regulasyon ng itatayong casino, pinalagan

Quezon City – Sinupalpal ng PAGCOR ang paunang pahayag ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na plano nilang magpasa ng ordinansa na mangangasiwa sa itatayong Solaire Casino sa Vertis North.

Sa inilabas na pahayag ng PAGCOR inisa-isa nito ang mga probisyon sa batas na nagsasabing ang PAGCOR ang inatasan ng konstitusyon na mangasiwa sa game of chance at hindi ito pwedeng pangunahan ng lokal na pamahalaan.

Butata din sa PAGCOR ang planong paniningil ng entrance fee ng Quezon City LGU sa mga maglalaro ng casino.


Paliwanag ng PAGCOR hindi makatutulong  sa problema sa pagsusugal ang planong additional entrance fee at sa halip ay liliit lamang ang kita ng casino.

Giit ng PAGCOR matagal na nilang ipinapatupad ang code of practice for responsible gaming para sa kapakanan ng mga nalululong sa sugal.

Dagdag pa ng PAGCOR kung ang lokal na pamahalaan ng ng lungsod ng Quezon ay talagang kinamumuhian ang pagsusugal kung saan aabot pa ang mga ito sa paggawa ng ordinansa na lalabag sa batas maaari naman itong hindi maglabas ng letter of no objection at resolution of no objection sa Bloombery Resorts Corporation noong panahon na kinukumpleto pa lang nito ang documentary requirements para sa aplikasyon ng provisional license.

Sa huli pinayuhan ng PAGCOR ang Quezon City government na kung talagang nangangamba ito sa kalagayan ng mga residente nito dahil itatayong casino ay maari naman itong hindi maglabas ng mayor’s business permit para sa Solaire and Casino.

Facebook Comments