Planong pag-aangkat ng pamahalaan ng 25,000 metriko toneladang isda, tinutulan ng mga mangingisda

Tutol ang maliliit na mangingisda sa plano ng gobyerno na mag-aangkat ng 25,000 metrikong toneladang isda, sa gitna ng closed fishing season na magtatagal hanggang sa Enero 2023.

Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), dapat itigil na ng pamahalaan ang pag-angkat ng isda, at sa halip ay suportahan ang local fish production sa bansa.

Giit pa ng grupo, ang closed fishing season sa mga pangunahing pangisdaan at ang importasyon ng isda ay parehong mapaminsala sa mga maliliit at lokal na mangingisda.


Kaugnay nito ay nanawagan ang PAMALAKAYA kay Pangulong Bongbong Marcos na magbigay ng tulong sa mga mangingisda, sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na production subsidies para sa marginalized sectors, upang mapigilan epekto ng imporrtasyon sa local fishing industry,

Samantala, iminungkahi rin ni Senador Joel Villanueva sa ehekutibo na palawigin ang bisa ng Executive Order 171 na pansamantalang nagpapababa sa buwis ng mga imported na karne at bigas.

Facebook Comments