Planong pag-aaral ni Presidential Communications Asec. Mocha Uson sa law school, inalmahan sa Legal Education Board

Manila, Philippines – Inanunsyo ni Presidential Communications Asec. Mocha Uson na papasok ito sa law school sa Enero ng susunod na taon.

Sa Facebook post ni Uson, mag-aaral siya ng abogasya sa Arellano University School of Law.

Bagamat hindi pa nakakapasok sa law school si Mocha, kinuwestyon na ito sa Legal Education Board (LEB).


Tanong ng ilan kung maari bang pumasok sa second semester ang mga hindi nakakuha ng Philippine Law Admission test o PHILSAT.

Nabatid nang suriin ang listahan ng L-E-B ay wala ang pangalan ni Uson sa mga passers sa dalawang nagdaang PHILSAT.

Facebook Comments