Pangulong Duterte, hinamon ng giyera ang NPA

Manila, Philippines – Hinamon ng giyera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang New People’s Army (NPA).

Ito’y matapos ang tuluyang pagkansela ng pangulo sa peace talks sa komunistang grupo.

Muling iginiit ng pangulo na itinuturing nang terorista ng gobyerno ang npa dahil sa mga pag-atakeng ginagawa ng mga rebelde sa pulis at sundalo.
Kasabay nito, ipinag-utos ni Duterte ang pag-aresto sa lahat ng mga miyembro ng CPP-NPA.


Bwelta naman ni CPP founding Chairman Jose Maria Sison, lalong magkakagulo kung pati ang mga legal na grupo ay hahabulin ng gobyerno.

Giit ni Sison, mas maraming sibilyan ang namatay sa mga opensiba at pambobomba ng militar.

Facebook Comments