Planong pagbabawas ng quarantine period sa Hong Kong, ikinatuwa ng Filipino community

Ikinatuwa ng Filipino community leaders sa Hong Kong ang plano ng Hong Kong government na pababain na lamang sa 5 araw ang quarantine period sa international travelers.

Ito ay bagama’t patuloy na namang tumataas ang kaso ng COVID-19 infection doon kada araw.

Sa ngayon kasi ay nakapagtatala na naman ang Hong Kong ng halos 2,000 COVID cases kada araw.


Bukod sa OFWs, natuwa rin ang Hong Kong employers na mababawasan na ang kasalukuyang quarantine period sa international travelers dahil nagiging pasanin ito sa kanila sa pagpasok doon ng foreign domestic workers.

Maliban dito, pahirapan din ang paghahanap ng mga quarantine hotel para sa mga dumarating na overseas travelers.

Facebook Comments